Tula: Isang Pagsuko

Isang Pagsuko

IMG_1659

Namumukadkad ang larawan ng iyong mukha
Sa bawat pagtama ng liwanag ng araw
Sa mga mata kong pamulat
Na tanging ikaw lamang ang sinisinta.
 
Pinipinta ng aking isip
Ang kabuluhan ng pag-ibig
Nating hinamak ang hikbi ng panahon at unos ng
Samu’t saring taong ninais kang ilayo sa aking himbing.
 
Hinahaplos ng iyong malumanay na paghinga
Ang bawat pait at poot ng damdaming dinulot
Ng makamundong nasa ng yaong mga itim na budhing
Pinilit kang iwaksi sa aking tanaw at sa liwanag ng aking mga gabi.
 
Hinahango mo ako sa dagat ng pagkabigo.
Binungkos mo ang sandaang talulot ng aking bigong puso.
Hahayaan kitang ariin ang pagkatao kong
Hinangad ang langit para sa isang nagmamahal na puso.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s