Ilang tula na ba?

Ilang tula na ba ang naialay para sa’yo?

Ilang awit na ba ang naging himig ng mahihimbing na gabing binubulabog ng ‘di matigil na pangangarap,
na iyo nang mawaring
ang bawat salitang sinasambit ng mga tula ay alay ng pusong ang segu-segundong pagtibok ay ikinukumpas ang pagmamahal para sa’yo?

Ilang gabi na ba akong nakakatulog na ikaw ang huling mukhang nagbibigay ngiti sa aking mga labi?
Ilang gabi na ba akong nahihimbing na ikaw ang pangunahing tauhan sa mga pelikulang sinusulat ng aking mga panaginip?

Ilang araw na ba akong gumigising at humihiling na maging katotohanan na ang mga panaginip na hitik sa imahe nating dalawang hawak-kamay na naglalakad sa dalampasigan habang pinapanood ang matiwasay at malumanay na paglubog ng araw?

Ilang beses na bang tumigil ang mundo habang sinusulyapan ang mga mata mong nais kong ako lamang ang sinisinta?
Ilang beses na bang humikbi ang puso sa tuwing mapapatingin ka sa aking kinalulugaran kung saan nanahimik ang sumisigaw kong puso?

Ilang pagkakataon na ba upang umamin at sambitin ang mga pangako ang aking pinalampas?
Ilang pagkakataon na ba upang alamin ang isasagot mo sa akin ang lumipas at nagdaan?

Ilang tula pa ba ang maiaalay para sa iyo?
Mabilang ko man kung ilan
Maisulat ko man ang bawat salita
Hindi pa rin sasapat upang masukat at matanto
Ang lawak at lalim ng mga damdamin para sa’yo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s