Dagundong

Malakas na pala.
Lakasan pa natin.

Dagdagan natin nang dagundong
na gugulat sa natutulog mong diwa.

Yung dagundong na aabot hanggang sa kaloob-looban ng kaibuturan ng puso mong sugatan at naghihilom.

Yung dagundong na malalim at malakas ngunit tanging ikaw lang makadarama; dagundong na tayong dalawa lamang ang nadarama.

Yung dagundong na magpapabagsak sa mga pader na tinanim mo sa iyong paligid.

Yung dagundong na maglilikha ng lindol araw-araw, gabi-gabi para lagi mong maalalang ang dagundong na ito ay likha ng pag-ibig na dulot ng ‘di maipaliwanag na pagkahumaling sa pag-ibig mo.

Yung dagundong na lilikha ng mga bagong bundok na aakyatin kasama ka
patungo sa langit ng pag-ibig nating gagambalain ang langit at lupa sa lahat ng mundo at uniberso.

Yung dagundong na magpapaalon sa karagatan upang lunurin at burahin ang mga lambak na pinaglibingan ng mga kahapong puno ng lumbay, lungkot, at sugat.

Yung dagundong na magpapasigaw sa iyo na ang pag-ibig mo sa akin ay higit pa sa pagmamahal kong buong buhay ang iaalay at ibibigay.

Yung dagundong na hindi matatapos kahit tapos na ang pagsikat ng araw at lahat ng mga dagat ay naubusan na ng alon at ang hangin ay naubusan na ng daluyong.

Yung dagundong na sa bawat segundo ng buhay sa piling ng isa’t isa ay hindi tayo lilisanin.

Yung dagundong na patuloy na magbibigay ng buhay sa ating pag-ibig na nagsimula sa isang hikahos na bulong at magtatapos sa isang pangakong tanging dagundong lamang ng iyong puso ang madirinig sa pagtatapos ng bawat araw at sa pagtatapos ng aking buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s