Kung sasabay ka man

Kung sasabay ka man
Sabihin mo kung saan patungo
Para huwag na magpaliko-liko
Para huwag na maligaw
Para huwag na masayang ang panahon.

Kung sasabay ka man
Sumayaw ka sa indak ng daluyong ng bawat salitang sinasambit ng mga tula
Upang malaman mong
Ang lihim na pagtingin ay binabalangkas ng bawat salita, saknong, at hinga.

Kung sasabay ka man
Ibulong mo na agad ang iyong nais
Para malaman
Kung may patutunguhan ang pagsabay
Kung may kahihinatnan ang byaheng ito
Kung ang dulo nito ay ang simula ng kwentong sabay nating ididibuho gamit ang sabay na pag-indak ng ating mga puso sa iisang dagundong at ritmo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s